SHARE YOUR BOOK OF LIFEHAPPINESS,QUOTES,LOVE STORY,PUPPY LOVE,ANYTHING YOU WANT SHARE IT!SEND IT TO ME NOW!!!AND CHANCE TO WIN AND POST YOURENTRY IN OUR SITE
Hindi nagpahuli nang buhay No. 9 most wanted criminal, patay sa shootout
Hawak ng mga tauhan ng Caloocan SWAT team ang narekober na granada sa bahay ng tinaguriang no. 9 most wanted criminal sa National Capital Region na si Michael Ignacio na nasawi makaraang manlaban sa mga pulis. (Kuha ni Ernie Peñaredondo)
MANILA, Philippines - Patay matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya na aaresto sa kanya ang itinuturing na No. 9 most wanted criminal sa National Capital Region (NCR) na may mga kasong murder, robbery at droga, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Namatay habang ginagamot sa Tondo General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang wanted na si Michael Ignacio, alyas “Bulag”, ng Pla-Pla St., Dagat-Dagatan ng naturang lungsod.
Ayon sa report ng Caloocan City Police, naganap ang insidente, dakong alas-10:30 ng umaga makaraang magsagawa ng raid ang mga awtoridad sa pinagtataguan ng suspect at isilbi ang warrant of arrest dito hinggil sa mga kasong murder, robbery hold-up at droga.
Papasok pa lang sa bahay ang mga pulis ay sinalubong na sila ng putok ng baril ng suspect at isa sa mga ito ang tinamaan gayunman, naisalba ito ng suot niyang bullet proof vest.
Dahil dito napilitan ang mga pulis na gumanti ng mga putok na naging dahilan upang mapuruhan si Ignacio at bumulagta ito hanggang sa isinugod sa naturang ospital, ngunit hindi na rin naisalba ang buhay.
Narekober sa bahay ng akusado ang isang kalibre .45, dalawang .38 rev. at isang granada.
PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
Dinala naman sa presinto ang asawa ng akusado na si Maria Magdalena Ignacio, 19, matapos makuha sa dala nitong pouch ang 8 sachet ng shabu.
BY: PHILSTAR.COM