SHARE YOUR BOOK OF LIFE
HAPPINESS,QUOTES,LOVE STORY,PUPPY LOVE,
ANYTHING YOU WANT SHARE IT!
SEND IT TO ME NOW!!!
AND CHANCE TO WIN AND POST YOUR
ENTRY IN OUR SITE

Ano nga kaya ang tunay na depenisyon ng pag-ibig?

Ang pag-ibig eh walang perpektong depenisyon. Kaya madalas ito mahambing sa mga paniniwala mo sa isang bagay. Naihambing na ang pag-ibig kahit saan. Sa switch ng ilaw, sa bulok na prutas, sa produkto ng Coca Cola na ang pagibig daw ay parang ganoon na SAKTO o kaya naman eh Zero. Naging bulaklak na rin ang pag-ibig kapag pinitas mo daw ito eh hindi mo na maibabalik sa dati at mabubuhay muli dahil daw inalis mo na ang tangkay.
Sa rami na ng depenisyon, lalong gumugulo kung ano nga ba ang tunay na ibig sabihin nito. Hindi bat napakasimple kung ang sasabihin lang natin eh ang pag-ibig eh pagbibigay ng tiwala at pagmamahal sa isang tao? Basta alam ko magkakaroon ng pag-ibig sayo at sa kanya. Ganun ka simple.
Pero paano kung hindi ka rin marunong magmahal? Ganito na lang ata talaga ang mangyayari dito. Ibat-ibang depenisyon, ibat-ibang paniniwala. Dahil hindi naman lahat ng taong ating nakikilala at minamahal eh pare-pareho.


Hindi nagpahuli nang buhay No. 9 most wanted criminal, patay sa shootout

Hawak ng mga tauhan ng Caloocan SWAT team ang narekober na granada sa bahay ng tinaguriang no. 9 most wanted criminal sa National Capital Region na si Michael Ignacio na nasawi makaraang manlaban sa mga pulis. (Kuha ni Ernie Peñaredondo) MANILA, Philippines - Patay matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya na aaresto sa kanya ang itinuturing na No. 9 most wanted criminal sa National Capital Region (NCR) na may mga kasong murder, robbery at droga, kahapon ng umaga sa Caloocan City. Namatay habang ginagamot sa Tondo Genera­l Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang wanted na si Michael Ignacio,­ alyas “Bulag”, ng Pla-Pla St., Dagat-Dagatan ng naturang lungsod. Ayon sa report ng Caloocan City Police, naganap ang insidente, dakong alas-10:30 ng umaga maka­raang magsagawa ng raid ang mga awtoridad sa pinagtataguan ng suspect at isilbi ang warrant of arrest­ dito hinggil sa mga kasong murder, robbery hold-up at droga. Papasok pa lang sa bahay­ ang mga pulis ay sinalubong na sila ng putok ng baril ng suspect at isa sa mga ito ang tinamaan gayunman­, naisalba ito ng suot niyang bullet proof vest. Dahil dito napilitan ang mga pulis na gumanti ng mga putok na naging dahilan­ upang mapuruhan si Ignacio at bumulagta ito hanggang sa isinugod sa naturang ospital, ngunit hindi na rin naisalba ang buhay. Narekober sa bahay ng akusado ang isang kalibre .45, dalawang .38 rev. at isang granada. PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: Dinala naman sa pre­sinto ang asawa ng aku­sado na si Maria Magda­lena Ignacio, 19, matapos makuha sa dala nitong pouch ang 8 sachet ng shabu. BY: PHILSTAR.COM